![]() | |
|
Medyo malakas ang ulan at hangin kanina. Basta ngayong week na to ay uulan. May appointment pa naman ako bukas sa Work Directions,sila tumutulong sa mga single parent na maghanap ng work. Tutal papasok na si Julius sa school e kelangan ko na rin maghanap ng kahit part time lang tsak kelangan ko ng magipon dahil gusto kong magbakasyon kame ni Julius next year sa pinas ng kahit 2 months lang. Kanina nagdownload lang ako ng anime,nanood ng Bubble Gang, Tv Patrol at nasimulan ko na rin kanina ung movie na My Monster Mom kaso naclose ko ba naman ung window kong san nandon ung movie,pak! So bukas sisimulan ko ulit. Mukhang mapapaaga na naman ang tulog ko ngayon kase sakit ng ulo ko at mata ko. Maganda tong ganito para palaging mahaba ang tulog ko. Nakatext ko din konti si Via kanina. Naubusan na ako ng load sa T-Mobile ko,yan kase pantext ko sa pinas ayokong gamitin ung line rental ko mahal kase. Nagorder na ako ng load kanina sa internet pero di pa nila inimail ung voucher number. Text ng text si Jay-r, si ex ko nong 3rd year high school ako. Sinasabi na mahal pa rin daw nya ako at bahala na daw kong kelan nya matatanggap un kase sinabi ko sa kanya non na friends lang talaga. Wala na talaga akong feelings sa kanya. Sorry na lang.. di na ako nagreply sa mga text nya saakin kanina, ayoko kaseng pagusapan ang love pagdating sa mga ex ko na talagang wala na akong maibibigay sa kanila kundi pagiging friend lang.Iisa lang ung gusto kong lalaki at walang makakapantay sa kanya! Kelan ko kaya ulit un makikita? Sobrang layo naman kase nya tapos di ko pa nakakausap. 0 commentEmoboxx Blog | Otakuboxx Blog | Mwahugz Blog i miss bestfriend! Filed under Blog, Buhay-Buhay, Hosting, Kaibigan, Lab, iTouch Blogging July 7th 2008, Monday Kanina nakakainis talaga ung weather kase paiba-iba. Kaninang umaga umuulan at malamig tapos non sa tanghali naging maaraw at mainit tapos umulan ulit. Kaninang nagtake-away ako sa mcdo kanina sobrang lakas ng ulan tapos biglang umaraw at nawala ung ulan. Ngayong gabi ay umuulan talaga sana naman bukas na ihahatid ko ai julius sa nursery ay walang ulan. Kaninang tanghali din ay nagtext ako kay Daisy sabi ko na tatawagan ko at himala nagreply sa text ko at un nga natawagan ko sya. Saya talaga kase sobrang tagal ko na syang di nakakausap sa fon. Tanong nya agad kong namimiss ko ung pinsan nyang si Rocky, syempre sabi ko oo kase kagabi hindi ako makatulog dahil nasa utak ko ung pinsan nya! 7 years na kase kame non na di nagkikita. Pero i still like him. Ayun tsismisan kame ng kong anu-anong nangyayari na sa barangay namin sa La Union. Tapos sabay sabi nyang kesyo may gf na daw si Virmar. Sabi ko naman alam ko na un tsaka walang-wala na talaga kame. Nagsawa na ako sa kanya. Ganun lang kadali pero talagang niloko nya ako. Ayun masayang kausap ing kababata ko. Gusto ko na tuloy umuwi ngayon din sa pinas. Lalo na iniinggit pa ako kanina kase nag-iinuman sila sa tabi ng dagat e gabi na non. Nakachat ko din ung ante ko sa manila kanina. Sa tagal ng panahon kong di nakachat puro friendster lang kame nag-uusap. Nailipat ko na rin ung ibang blog ko sa host ng Emoboxx kase di ko nagustuhan ung isang hosting na binili ko. Pinacancel ko na nga yon e. Ngayon ang dinner ko ay strawberry at orange juice lang. Kasama sa diet ko. Mukhang mapapaaga din tulog ko kase inaantok na ako. Panonoorin ko lang ung Bubble Gang tapos tulog na siguro. 0 commentEmoboxx Blog | Otakuboxx Blog | Mwahugz Blog « Previous entries |
NAVIGATIONS
BLOG ARCHIVES LINKS AUTHOR
Ako ay si Gelah o "ishii", bente-dos at kasalukuyang nakatira dito sa Inglatera. Isang walang magawang tao. Ang blog na ito ay ginawa para ilahad ang
pang-araw-araw na nangyayari sa akin. Hindi ganun kaespesyal pero kelangan pa ring respetuhin ang mga pinaglalalagay ko dito.
Kong ayaw nyo ako, wag kayong magbabasa at lalong wag kayong magkokomento kong aawayin nyo lang ako dahil siguradong wala din makakabasa at tatanggalin ko rin kaagad.
Sa lahat ng mga mababait bumibisita dito, maraming salamat at wag kalilimutang magkomento bago umalis para alam ko kong sino kayo, para mabisita ko din ang inyong mga blog. Ako din ang may-ari ng mga blog na ito: EmoBoxx.Com OtakuBoxx.Com Mwahugz.Net FLICKR
![]() ![]() ![]() ![]() ARCHIVES
June 2008 (29) May 2008 (20) April 2008 (23) March 2008 (30) February 2008 (29) January 2008 (15) Credits
|